Noong 5 Nobyembre 1937, si Hitler ay nagsagawa ng isang sikretong pagpupulong sa Chancellery ng Reichstage kasama ang kaniyang mga kalihim pangdayuhan at mga hepe ng militar ukol sa kaniyang pakikipagdigma. Sa naitala sa memorandum na Memorandum, isinaad ni Hitler ang kaniyang intensiyong makuha ang Lebensraum ("buhay na espasyo") para sa mga Aleman at nag-atas ng paghahanda para sa digmaan sa silangan na magsisimula ng hindi lalagpas sa 1943. Isinaad din ni Hitler na ang mga minute (minutes o tala ng pagpupulong) ng kumperensiyang ito ay ituturing na kaniyang "testamentong pampolitika" sa pangyayaring siya ay mamatay. Sinabi din ni HItler na ang krisis sa ekonomiya ng Alemanya ay mapipigil lamang ng patakarang pananakit militar na susunggab sa Austria at Czechoslovakia. Hinikayat ni Hitler ang isang mabilis na aksiyon bago ang Britanya at Pransiya ay manguna sa labanan ng armas (sandata).
Download Nagbabagang Silangan
Si Chamberlain ay nasiyahan sa kumperensiya sa Munich na kaniyang tinawag ang kinalabasan na "kapayapaan para sa ating panahon" samantalang si Hitler ay nagalit sa nawalang oportunidad para sa digmaan noong 1938. Inihayag ni Hitler ang kaniyang pagkasiphayo sa Kasunduang Munich sa kaniyang talumpati noong 9 Oktubre 1938 sa Saarbrücken. Sa pananaw ni Hitler, ang pinamagitan ng Britanyang kapayaan, bagaman pabor sa paimbabaw na mga hinihingi ng Aleman ay isang pagkatalong diplomatiko na nagudyok sa pagnanais ni Hitler ng paglilimita ng kapanyarihan ng Britanya upang magbigay daan sa pagpapalawak ng Alemanya sa silangan. Bilang resulta ng kumperensiyang ito, si Hitler ay napili ng Time Magazine na "Tao ng Taon" (Man of the Year) noong 1938.
Sa mga pribadong pakikipagtalakayan noong 1939, inilarawan ni Hitler ang Britanya bi lang pangunahing kaaway na kailangang talunin. Sa pananaw ni Hitler, ang pagkakabura ng Poland bilang bansang soberanya ay kinakailangang panimula ng layuning ito. Ang silangang flank (gilid ng pormasyong militar) ay susunggaban at ang lupain ay madadagdag sa Lebenstraum ng Alemanya. Ninais ni Hitler na ang Poland ay maging isang estadong satellite (bansang independiyente ngunit nasa ilalim ng kontrol ng isa pang bansa) o maging neutral upang maingatan ang silangang flank ng Reich at upang mapigil ang posibleng pagharang ng Britanya. Sa simula, pumabor si Hitler sa ideya ng estadong satellite ngunit ito ay itinakwil ng gobyerno ng Poland. Dahil dito, si Hitler ay nagpasiyang sakupin ang Poland. kaniyang ginawa itong pangunahing patakarang pangdayuhang layunin noong 1939. Hindi nasiyahan si Hitler sa garantiya ng Britanya ng independensiya ng Poland na inilabas noong 1939 at kaniyang sinabi sa kaniyang mga kasama na "ipakukulo ko sila ng inumin ng diyablo". Sa isang talumpati sa Wilhelmshaven para sa paglulunsad ng barkong pandigma na Tirpitz noong 1 Abril 1939, nagbanta muna si Hitler na kokondenahin ang Briton-Alemanyang Kasunduang Pandagat kung ang Britanya ay magpipilit ng paggagarantiya ng independensiya ng Poland na kaniyang natantong patakarang "pagpapalibot". Noong 3 Abril 1939, inutos ni Hitler sa hukbo na maghanda para sa Weiss (Case White) na planong pagsakop sa Poland ng Alemanya noong 25 Agosto 1939. Sa isang talumpati sa Reichstag noong 28 Abril 1939, kinonenda ni Hitler ang Briton-Aleman na Kasunduang Pandagat at ang kasunduang Aleman-Polish na kawalang-agresyon. Noong Agosto 1939, sinabi ni Hitler sa kaniyang mga heneral na ang kaniyang orihinal na plano para sa 1939 ay upang "lumikha ng katanggap tanggap na ugnayan sa Poland upang labanan ang Kanluran". Dahil sa ang Poland ay tumangging maging estadong satellite ng Alemanya, si Hitler ay naniwalang ang kaniyang tanging opsiyon ay sakupin ang Poland.
Bago magwakas ang araw, si Hitler ay muling nakatagpo ng panibagong pag-asa sa isang bagong plano na kinabibilangan ng ika-labindalawang hukbo ni Heneral Walther Wenck. Ang planong ito ay nagtutulak sa hukbo ni Wenck na kasalukuyang nakaharap sa mga Amerikano sa kanluran na sumalakay papasilangan upang tulungan ang Berlin. Ang ika-labindalawang hukbo ay makikipag-ugnayan sa ika-siyam na hukbo at pumasok sa siyudad ng Berlin. Si Wenck ay nakasalakay at gumawa ng pansamantalang ugnayan sa garisong Potsdam ngunit ang pakikipag-ugnayan sa ika-siyam na hukbo ay hindi naging matagumpay.
Cập nhật thông tin và kiến thức về Xem phim Nagbabagang silangan chi tiết và đầy đủ nhất, bài viết này đang là chủ đề đang được nhiều quan tâm được tổng hợp bởi đội ngũ biên tập viên. 2ff7e9595c
Comments